Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Layunin ng WIFE, pasulungin ang pagtutulungan ng mga bansang Islamiko at iba pang bansa

(GMT+08:00) 2014-10-31 16:10:31       CRI

Ipininid kahapon sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) ang Ika-10 World Islamic Economic Forum (WIEF) na may temang "Inobatibong Partnership para sa Paglaking Pangkabuhayan."

Sa tatlong araw na porum, humigit-kumulang 3,000 kinatawan mula sa mahigit 100 bansa ang nagtalakayan hinggil sa pinansya, edukasyon, industriya at karapatan ng kababaihan. Nagtalakayan din ang mga mangangalakal mula sa mga bansang Islamiko at di-Islamiko hinggil sa opurtunidad ng pagtutulungan sa industriya ng pagkaing Halal.

Sa seremonya ng pagpipinid, inilahad ni Ahmad Fuzi Abdul Razak, Pangkalahatang Kalihim ng WIEF Foundation ang hinggil sa mga mungkahi na napagkasunduan ng mga kalahok.

Ang katatapos na porum na nasa magkasamang pagtataguyod ng WIEF Foundation na nakabase sa Malaysya at Samahan ng Industriya at Komersyo ng Dubai ay ang unang WIEF na idinaos sa rehiyon ng Gitnang Silangan. Noong 2013, ginanap ang porum sa Britanya, unang bansang di-Islamiko na nagtaguyod sa WIEF. Sa hinaharap, ang mga round table discussion sa ilalim ng WIEF ay idaraos sa Timog Korea, Hapon at Espanya.

Ang unang WIEF ay idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia, noong 2005.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>