Ipinahayag kahapon ni Liu Xiaoming, Embahador ng Tsina sa Britanya, ang pagtutol ng panig Tsino sa pagsasagawa ng Komisyong Panlabas ng Mababang Kapulungan ng Parliamento ng Britanya ng umano'y "inquiry" tungkol sa Hong Kong, at "imbestigasyon" sa Hong Kong.
Kinatagpo nang araw ring iyon ni Liu Xiaoming si John Tsang Chun-wah, Financial Secretary ng Hong Kong, na kasalukuyang dumadalaw sa Britanya. Isinalaysay ni Liu ang may-kinalamang nilalaman ng "Kapasiyahan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) Tungkol sa Ilang Mahalagang Isyu ng Komprehensibong Pagpapasulong ng Pangangasiwa ng Bansa Alinsunod sa Batas." Ayon sa kapasiyahang ito, igagarantiya ang pagsasagawa ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Salin: Li Feng