Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pakikipagkalakal sa Tsina, higit na lumalago

(GMT+08:00) 2014-10-31 17:40:58       CRI

GUMAGANDA ang kalakal sa pag-itan ng Pilipinas at Tsina sa nakalipas na mga taon. Ito ang sinabi ni Secretary Arsenio M. Balisacan sa kanyang talumpati sa katatapos na business forum na itinaguyod ng isang pahayagan.

Ani Kalihim Balisacan, sa nakalipas na mga taon, ang economic at socio-cultural cooperation sa pamamagitan ng regular na pagpapalitan ng mga pagdalaw at mga nalagdaang bilateral agreements sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang kalakal sa pagitan ng dalawang bansa ay umunlad sa nakalipas na apat na taon sapagkat ang buong bilateral trade ng dalawang bansa sa unang pitong buwan ng 2014 ay tumaas ng 19% sa halagang US$ 10.3 bilyon mula sa US$ 8.6 bilyon noong 2013. Ang Tsina ang ialawang pinakamalakaling kabalikat sa kalakal at pumangalawa lamang sa bansang Japan.

Sa bansang Tsina nagmumula ang karamihan ng mga inaangkat ng Pilipinas sapagkat noong Hulyo ng taong ito, umangkat ang Pilipinas sa Tsina ng US$ 5.5 bilyon mula sa US$ 4.6 bilyon noong 2013. Napuna ang paglago ng 20.0%.

Ang karamihan ng mga inangkat ng Tsina sa Pilipinas ay semiconductors na nagkaroon ng 25% ng buong exports at sinundan ng electronic data processing services, iba pang mineral products at mga makinarya at transport equipment at ang copper meal.

Nangungunang binibili ng Pilipinas sa Tsina ang telecommunication equipment at electrical machineries na umabot sa 15.5% na sinundan ng mineral fuels and lubricants, power generating and specialized machines, miscellaneous manufactures, iron and steel at non-metallic mineral manufactures.

Idinagdag pa ni Kalihim Balisacan na ang taripa sa 100% ng total tariff lines (7,388 lines) sa Normal Tracks ng ASEAN-6 at Tsina ay naalis na noon pa mang unang araw ng Enero, 2012. Binawasan na rin ang most favored nation tariffs sa ilalim ng Sensitive Tracks ng ASEAN – 6 atTsina ay binawasan nan g 20.0% noong Enero ng 2012. Aabot na lamang sa 0 hanggang 5.0% ang buwis pagsapit ng unang araw ng Enero 2018.

Kahit maliit pa ang Foreign Direct Investment ng Tsina sa Pilipinas kung ihahambing sa mga kalapit bansa sa Asia, naglagak ang Pilipinas ng Foreign Direct Investments sa Tsina sa halagang US$ 132.2 milyon na masasabing 0.15% ng buong FDI ng Asia sa Tsina. Subalit mas mataas na ito ng 18.2% kaysa naitala noong 2011 ayon mismo sa National Bureau of Statistics ng Tsina.

Noong nakalipas na taon, ang overall investment ng Tsina sa Pilipinas ay umabot lamang sa halagang US$ 6 milyon. Bumaba rin ang mga kalakal na nakapasa sa Pilipinas noong 2013 na nagmula sa Tsina at nakarating sa 37.6% sa halagang P 1.24 bilyon mula sa P 1.99 bilyon noong 2012.

Napuna ni Kalihim Balisacan na sa unang bahagi ng 2014, ang mga kalakal mula sa Tsina ay umangat sa halagang P 9.62 bilyon mula sa P 245.6 milyon noong 2013. Ang mga sektor ng manufacturing, administrative and support services, information and communications services ang nakatanggap ng mga kalakal mula sa Tsina.

Nagmula sa Tsina ang ika-apat sa pinakamaraming banyagang turistang dumalaw sa Pilipinas at natamo ang 9.4% ng lahat ng mga banyagang dumalaw sa bansa. Noong nakalipas na taon, ang mga dumalaw sa Pilipinas mula sa Tsina ay lumago ng 69.9% kung ihahambing sa datos ng 2012.

Mayroong 0.3% ng buong bilang ng mga Filipino na naglilingkod sa Tsina mula sa pagtataya ng mga datos noong 2012. Kasama na rito ang temporary, permanent at irregular workers sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>