|
||||||||
|
||
HINDI papayagan ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga tagapagsalita at mga kinatawan ni Pangalawang Pangulong Jejomar Binay sa pagdinig nito sa darating na Huwebes.
Ito ang sinabi ni Senate Blue Ribbon Chairman Teofisto Guingona III. Niliwanag niyang magtitipon ang komite upang pakinggan ang panig ng pangalawang pangulo. Magugunitang ilang ulit na tinanggihan ng pangalawang pangulo ang paanyaya ng senado. Sinisiyasat ng Senado ang sinasabing mga anomalya sa likod ng pagpapatayo ng Makati City Hall 2 parking building.
Ang pagdinig ay para lamang sa pangalawang pangulo at hindi para sa kanyang mga kinatawan. Ipinaliwanag ng mambabatas na kung hindi rin lang darating si G. Binay, hindi na lamang itutuloy ang pagdinig.
Hanggang sinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon ang tanggapan ni G. Binay.
Bibigyan umano ng kaukulang paggalang, maayos ng pagtrato at sapat na panahon upang sagutin ang mga katanungan ng pangalawang pangulo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |