Ipinahayag kahapon ni Wang Shouwen, Asistenteng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na umaasa ang Tsina na magpapatingkad ang Asia-Pacific Economic Cooperation ng koordinado at namumunong papel sa aspekto ng integrasyong panrehiyon, para mapasulong ang pagtakda sa lalong madaling panahon ng roadmap hinggil sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko.
Sinabi ni Wang na ang pagtatatag ng naturang malayang sonang pangkalakalan ay kinakatigan ng halos lahat ng mga kasapi ng APEC, at sa kasalukuyan, tinatalakay pa ang mga detalye hinggil dito.
Dagdag pa ni Wang, ang pangako ng mga kasapi ng APEC hinggil sa hindi pagsasagawa ng mga bagong restriksyon sa kalakalan at pamumuhunan ay mawawalang-bisa sa taong 2016. Umaasa aniya ang Tsina na palalawagin ang pangakong ito sa taong 2018, para palakasin ang pagtutol sa trade protectionism.
Salin: Liu Kai