Ipinahayag kahapon ng White House na mula ika-10 hanggang ika-12 ng buwang ito, bibiyahe sa Tsina si Pangulong Barack Obama ng Amerika para dumalo sa Di-pormal na Summit ng APEC at isagawa ang dalaw pang-estado sa Tsina. Pagkatapos, bibisita rin ang Pangulong Amerikano sa Myanmar at Australia.
Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na magpapalitan ng kuru-kuro sina Pangulong Xi Jinping at Barack Obama hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.