|
||||||||
|
||
Si Pangulong Benigno Aquino III
Nakipagtagpo kahapon si Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas sa delegasyon ng Japan National Press Club. Kaugnay ng pag-aalis ng ban sa Right of Collective Self-Defense ng Pamahalaan ni Abe, ipinahayag ng Pangulong Pilipino ang inaasahan sa pagsasakatuparan ng pangangalaga ng Japanese self-defense forces sa mga dayuhang opisyal na itinakda sa "Peace Keeping Operations (PKO)," at pagpapalakas ng relasyon ng self-defense forces at hukbong Pilipino.
Ayon sa Kyodo News Agency, ipinahayag ni Pangulong Aquino ang kanyang "pagkatig sa pagsusog ng paliwanag ng konstitusyon ng Hapon." Inulit din niya ang pagtanggap sa pag-aalis ng ban sa Right of Collective Self-Defense ng Hapon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |