|
||||||||
|
||
Si Bob Hawke
Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Bob Hawke, dating Punong Ministro ng Australya, at isa sa mga tagapagtatag ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), na kasunod ng paglaki ng impluwensiya ng Tsina at pagsigla ng kompetisyon ng Tsina at Amerika, dapat itatag ang bagong kaayusan sa Asya-Pasipiko na angkop sa pagbangon ng Tsina.
Ipinalalagay ni Hawke na ang bagong kaayusang ito ay dapat mas makabuti sa koordinasyon at kooperasyon ng Tsina at Amerika, at paglahok ng iba't ibang panig ng Asya-Pasipiko sa mga suliranin ng rehiyong ito. Ito aniya ay para maisakatuparan ang komong kasaganaan at kaunlaran ng Asya-Pasipiko.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |