Isiniwalat kahapon ni Alan Bollard, Executive Director ng Sekretaryat ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), na sa idinaraos na pulong ng mga ministrong panlabas at pangkalakalan ng APEC, posibleng magkaisa ng palagay ang mga kalahok hinggil sa mga prinsipyo ng pagtatatag ng Free Trade Area ng Asya-Pasipiko (FTAAP). Dagdag niya, sa loob ng darating na dalawang taon, pag-aaralan ng mga kasapi ang posibilidad sa pagtatatag ng free trade area na ito.
Isiniwalat din ni Bollard na nagkaroon na ang iba't ibang kasapi ng APEC ng isang burador na deklarasyon hinggil sa paglaban sa korupsyon. Aniya, batay sa deklarasyong ito, bubuuin ng iba't ibang kasapi ang isang organo ng paglaban sa korupsyon, para isakatuparan ang pagbabahagi ng mga impormasyon ng mga may kinalamang kaso.
Salin: Liu Kai