Ipinalabas kahapon ng World Trade Organization (WTO) ang ulat hinggil sa mga hakbanging pangkalakalan ng G20.
Ayon sa ulat, mula noong Mayo hanggang Oktubre ng taong ito, isinagawa ng mga kasapi ng G20 ang 79 na hakbanging nagpapasulong sa kalakalan, pero isinagawa rin nila ang 93 bagong hakbangin ng restriksyon sa kalakalan.
Batay sa kalagayang ito, nanawagan ang WTO sa mga kasapi ng G20 na bawasan ang pagpapalabas ng mga hakbanging di-makakabuti sa kalakalan, at ibayo pang pawalang-bisa ang mga umiiral na ganitong hakbangin.
Salin: Liu Kai