Ang pagtatatag ng Free Trade Area ng Asya-Pasipiko (FTAAP) ay isang pangunahing isyu sa 2014 Economic Leaders' Week ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Beijing. Ito ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa liberalisasyong pangkalakalan ng Asya-Pasipiko. Positibo ang mga eksperto at opisyal sa gawaing ito, pero aminado rin silang hindi ito madali.
Ipinalalagay ni Sanchita Basu Das, mananaliksik ng Southeast Asia Institute ng Singapore, na kung ihahambing sa mga umiiral at tinatalakay na free trade area na sumasaklaw lamang sa bahagi ng Asya-Pasipiko, ang isang nagkakaisang free trade area ay mas makakabuti sa kalakalan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Zhang Shaogang, mataas na opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa kasalukuyan, marami pa ang mga gawain para pasimulan ang pagtatatag ng FTAAP na gaya ng pag-aaral sa mga prinsipyo at paraan ng pagtatatag ng free trade area na ito. Aminado rin si Zhang na mahirap ang mga gawaing ito.
Salin: Liu Kai