|
||||||||
|
||
Binuksan ngayong araw sa Beijing ang Ika-26 na Pulong na Ministeryal ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas sina Wang Yi, Ministrong Panlabas, at Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina.
Sinabi ni Wang na ang kooperasyong pangkabuhayan ay pokus ng kasalukuyang pulong. Umaasa siyang ibayo pang palalawakin ng mga kalahok ang komong palagay sa isyung ito, at pagtitibayin ang isang mabungang magkasanib na pahayag, bilang mahusay na paghahanda para sa gagawing di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC.
Sinabi naman ni Gao na bago ang kasalukuyang pulong, isinagawa na ng iba't ibang panig ang malawakan at malalimang pagtalakay hinggil sa pagtatatag ng Free Trade Area ng Asya-Pasipiko, pandaigdig na kooperasyon sa value chain at supply chain, kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya, at mga iba pang isyu. Nananalig aniya siyang matatamo sa kasalukuyang pulong na ministeryal ang positibo, pragmatiko at komprehensibong bunga.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |