Sinabi ngayong araw ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang hangaring ilang beses na iniharap ng Hapon para sa pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa sa panahon ng kasalukuyang di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Ani Wang, ipinalabas kahapon ng Tsina at Hapon ang apat na komong palagay hinggil sa paghawak ng mga isyung nakakaapekto sa relasyon ng dalawang bansa. Umaasa siyang tumpak na pakikitunguhin ng Hapon ang mga komong palagay na ito, aktuwal na susundin at buong taimtim na ipapatupad ang mga ito, para lumikha ng kinakailangang atmospera sa pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.