Sinabi kahapon ni Evan Medeiros, Senior Director ng National Security Council ng Amerika na namamahala sa mga suliranin ng Asya, na sa kanilang gagawing pagtatagpo sa Beijing, magkakaroon ang mga lider ng Amerika at Tsina ng komong palagay sa mahahalagang bagong aspekto, para pataasin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Dagdag pa ni Medeiros, umaasa ang Amerika na itatatag, kasama ng Tsina, ang bagong relasyon ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kooperasyon at pagkontrol sa pagkakaiba at kompetisyon.