|
||||||||
|
||
Sa kanyang paanyaya, kinatagpo ngayong araw sa Great Hall of the People ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na kalahok sa Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Ipinahayag ni Pangulong Xi na ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones ay hindi lamang umaangkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi umaangkop pa sa unibersal na inaasahan ng komunidad ng daigdig. Aniya, palagiang pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino ang relasyon sa Hapon, at naninindigan ang Tsina na sa pundasyon ng apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa at sa diwang paggamit sa kasaysayan bilang salamin sa pagtanaw sa hinaharap, pasulungin ang relasyong Sino-Hapones.
Ipinahayag naman ni Abe na ang mapayapang pag-unlad ng Tsina ay mahalagang pagkakataon para sa Hapon at buong daigdig. Nakahanda aniya ang panig Hapones na isakatuparan ang apat na komong palagay na narating ng dalawang panig para maayos na mahawakan ang may-kinalamang isyu.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |