Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalakal ng mga sasakyan, higit na sumigla

(GMT+08:00) 2014-11-11 17:42:42       CRI

NAKAMTAN ng mga mangangalakal ng mga sasakyan ang pinakamagandang benta sapagkat umabot ito ng may 22,278 unit na higit sa inaasahan sa buwan ng Oktubre.

Sa isang pinagsanib na pahayag ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association, nadagdagan ang kanilang benta ng may 32.6% o 5,478 unit kung ihahambing sa benta noong nakalipas na Oktubre ng 2013.

Naganap ito sa pagpasok ng mga bagong modelo, masigasig na promotional activities at pangangailangan ng madla.

Ang sasakyang pampasahero at pang-komersyo ang kinakitaan ng magandang benta sapagkat ang pampasaherong kotse ay nagkaroon ng 8,975 na unit at mayroong 46.5% increase sa paghahambing sa benta noong 2013. Samantala, ang commercial vehicle segment naman ay nagkaroon ng 13,303 unit. Lumago ang kanilang benta ng may 24.7% o dagdag na 2,631 units kung ihahambing sa taong 2013.

Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, higit nilang ikinatutuwa ang kanilang natamo noong Oktubre sa pamamagitan ng kanilang pagtugon sa pangangailangan ng pamilihan o ng mga mamimili.

Mula noong unang araw ng Enero ng 2014, umabot na sa 192,005 units at paglago ng 29.6% ang kanilang nakamtan. Nangunguna pa rin ang Toyota Motor Philippines Corporation sa bentahan sa pamamagitan ng 45.2% at nagtamo ng dagdag na 41.9%, Mitsubishi Motor Corporation ang pumangalawa sa 21.7%, Ford Motor Philippines ang pangatlo sa 8.6% share. Napalitan ng Honda Cars Philippines ang Isuzu Philippines Corporation sa ika-apat na posisyon sa pagkakaroon ng 5.8% samantalang na sa panglima ang IPC na nagtamo ng 5.7% share.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>