|
||||||||
|
||
Dumalo at nagtalumpati ngayong hapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang preskon ng Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) para sa 2014. Tinukoy ni Xi na ang "Magkakasamang Pagtatatag ng Partnership ng Asya-Pasipiko sa Kinabukasan — Pahayag ng Ika-25 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng APEC" na pinagtibay sa pulong ay unang commemorative statement sa kasaysayan ng organisasyong ito.
Tinukoy ng Pangulong Tsino na kasiya-siyang natapos ang Ika-22 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC. Aniya, sa pulong, malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga lider ng iba't-ibang kasapi tungkol sa mga temang gaya ng "Pagpapasulong ng Integrasyon ng Kabuhayang Rehiyonal," "Pagpapasulong ng Inobasyon at Pag-unlad ng Kabuhayan, Reporma at Paglaki," at "Komprehensibong Pagpapalakas ng Konstruksyon ng Imprastruktura," at narating nila ang malawakang komong palagay.
Dagdag pa ni Xi, ang "Deklarasyon ng mga Lider ng APEC" na pinagtibay sa pulong, at "Pahayag ng Ika-25 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng APEC" ay dalawang outcome document.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |