Nagtagpo kahapon dito sa Beijing ang mga pangulo ng Tsina at Amerika. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa mga isyung pandaigdig at panrehiyong kapuwa sila pinahahalagahan.
Sinabi ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina na masaya siyang natamo na ang inisiyal na bungo sa pagpapasulong ng konstruksyon ng bagong relasyon ng mga malaking bansa. Ang pagdalaw ni Pangulong Obama sa Tsina ay nagiging isang bagong pagkakataon para mapasulong ang relasyong ito. Dapat panatilihin ng dalawang bansa ang mahigpit, malalim at tunay na pagpapalitan hinggil sa mga isyu, at nang sa gayo'y, mapalalim ang pagkaunawaan at pagtitiwalaan sa isa't isa.
Ipinahayag naman ni Barack Obama, Pangulo ng Amerika na ang Estados Unidos at Tsina at dalawang malaking ekonomiya na may mga komong interes. Ang pagpapahigpit ng kooperasyon ay makakabuti sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahandang magpalitan ang mga lider ng dalawang bansa ng mga palagay hinggil sa iba't ibang isyu.