Ministro ng Kalakalan at Industrya ng Malaysia: ang reporma ng Tsina, makakabuti sa kabuhayang pandaigdig
(GMT+08:00) 2014-11-12 12:06:57 CRI
Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Mustafa Mohammed, Ministro ng Kalakalan at Industrya ng Malaysia na ang isinasagawang reporma ng Tsina ay magdaragdag ng kasiglahan sa kabuhayan, at ito ay magpapasulong ng pagpapaunlad ng kabuhayan iba pang ekonomyang kinabibilangan ng Malaysia.
Aniya, patuloy na nagsisikap ang Tsina na isaayos ang estruktura, pasulungin ang inobasyon at reporma para mapaunlad ang kabuhayan. Bukod dito, isinasagawa ng Tsina ang pamamahala sa estado sa pamamagitan ng batas at bukas na kabuhayan. Tinatanggap ng daigdig ang isang pamilihang Tsino na mas bukas at may mas mataas na episyensiya.
May Kinalamang Babasahin
Comments