Aalis bukas ng Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para dumalo sa Ikasiyam na Summit ng G20 na idaraos mula ika-15 hanggang ika-16 ng buwang ito sa Brisbane, Australya, at magsagawa ng dalaw-pang-estado sa Australya, New Zealand, at Fiji.
Kaugnay nito, isinalaysay ngayong araw ni Zhang Jun, opisyal ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa G20 Summit, ilalahad ni Xi ang mga patakaran at paninindigan ng Tsina hinggil sa kabuhayang pandaigdig, reporma, kalakalan, hanapbuhay, enerhiya at iba pang isyu, para makipag-ambag, kasama ng ibang bansa, sa pagpapasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Dagdag ni Zhang, ang pagdalaw ni Xi sa Australya, New Zealand, at Fiji ay magpapasulong naman ng pakikipagkooperasyon ng Tsina sa mga bansang ito.
Salin: Liu Kai