|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Professor Clarita Carlos ng Pamantasan ng Pilipinas na pag-uusap sa pamamagitan nina Pangulong Aquino at Pangulong Xi sa sidelines ng isang okayson sa Beijing ay maganda.
Nararapat umanong makasama ang pilipinas sa One Belt, One Road at Pan Asian Railway at Highway.
Para kay Chito Sta. Romana, dating bureau chief ng ABC News sa Beijing, kahit pa sampung minuto lamang ang naging pag-uusap nina Pangulong Aquino at Xi, mahalaga ito sapagkat nawala ang malamig na relasyong namamagitan sa dalawang bansa at naghudyat ng pagluwag ng tensyon at pag-unlad ng bilateral relations.
Napigil at natapos ang maka-yelong relasyon ng dalawang bansa na maibalik sa dati ang pagkakaibigan. Subalit hindi ito nangangahulugan na ang territorial at maritime disputes ay malulutas sa madaling panahon. Malaki ang hamon sa pagpapahusay ng bilateral relations. Yayabong pa ang relasyon ng dalawang bansa kabilang na ang kalakal, pagpasok ng investments, turismo, kultura at iba pa kahit pa mayroong mga 'di pagkakaunawaan.
Mula sa isang dalubhasang mamamahayag, sinabi pa ni G. Sta. Romana na ginamit ni Pangulong Xi upang iparating ang layunin ng magkabilang panig na handang magkita sa kalagitnaan ng daan o halfway.
Umaasa siyang susunod na ang high level talks lalo't magiging punong-abala ang Pillipinas sa susunod na APEC Leaders' Meeting. Nakatakdang dumating sa Pilipinas si Pangulong Xi para sa APEC 2015.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |