|
||||||||
|
||
Nanawagan kahapon si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, sa G20 na pahigpitin ang paglaban sa epidemya ng Ebola virus.
Sa kanyang pagdalo sa Ika-9 na Summit ng G20 na idinaos kahapon sa Brisbane ng Australia, muling binigyang-diin ni Ban ang kahalagahan ng paglaban sa epidemyang ito.
Sinabi niya na sa kasalukuyan, ang epidemyang ito ay hindi lamang isang isyu ng kalusugan, kundi maging isyung pangkabuhayan at panseguridad.
Nanawagan din si Ban sa G20 na magkaloob ng malawak na tulong sa paglaban sa epidemyang ito, na kinabibilangan ng pulitika, pinansiya, materyal, at kagamitang medikal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |