|
||||||||
|
||
Pinanguluhan kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pulong ng Konseho ng Estado para pasulungin ang reporma sa presyo at patingkarin ang mas malaking papel ng pamilihan sa pagtatakda ng presyo.
Ang reporma sa presyo ay may kinalaman sa mga industriya na gaya ng enerhiya, komunikasyon, at pangangalaga sa kapaligiran.
Tinukoy ng pulong na ang reporma sa presyo ay bahagi ng repormang pampamilihan at pagbabago ng tungkulin ng pamahalaan.
Sa pulong na ito, ipinasiya rin ng Pamahalaang Sentral ng Tsina na ibayo pang bawasan ang mga buwis ng mga maliit na bahay-kalakal para mapahupa ang pasanin ng mga ito.
Bukod dito, pasusulungin din ng Tsina ang pag-unlad ng mga bagong sibol at high-tek na industriya para patingkarin ang kanilang papel sa pagpigil at pagkontrol sa mga epidemya at kalamidad, social security, at digital business.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |