|
||||||||
|
||
BRISBANE, Australia—nagtalumpati kamakalawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-9 na G20 Summit. Ayon sa mga dalubhasang dayuhan, makakatulong ang talumpati sa pagpapalakas ng papel ng Tsina sa sistema ng kabuhayang pandaigdig at pagpapasulong ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Nanawagan si Xi sa mga lider ng G20 na dapat magkasamang pasulungin ng mga pangunahing economy ng daigdig ang reporma, tupdin ang estratehiya ng komprehensibong paglaki, at pasulungin ang transisyon ng kabuhayang pandaigdig sa sustenablang pag-unlad mula cyclical recovery.
Sinabi ni Graham Quirk, Alkalde ng Brisbane, na ipinaabot ng talumpati ni Xi ang napakapositibong mensahe, at ipinakita nito ang pangako at determinasyon ng Tsina sa paggarantiya sa sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, kasama ng iba pang bansa.
Sinabi ni Yakov Berger, mataas na mananaliksik ng Institute of Far Eastern Studies ng Russian Academy of Sciences, na kasabay ng pahalaga nang pahalagang papel na ginagampanan ng Tsina sa plataporma ng daigdig, lalong lalo na sa kabuhayang pandaigdig, gumaganap ang Tsina ng mas mahalagang papel sa proseso ng pagtatatag ng bagong kaayusan ng pulitika at kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Cha Jae-bok, punong mananaliksik ng think-tank ng Northeast Asian History Foundation ng Timog Korea, na ang mungkahi ni Xi hinggil sa pagpapabuti ng porma ng pag-unlad na pangkabuhayan ng mga economy ng G20 ay ipinakita ang pangmalayuang pananaw at pagpapatupad ng tungkulin ng Tsina bilang isang aktibong miyembro ng komunidad ng daigdig. Aniya pa, ang boses ng Tsina ay magpapalakas ng impluwensya ng mga umuunlad na bansa at umaahong pamilihan, at magpapadali ng matatag at sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Pierre Picquart, isang dalubhasa ng University of Paris-VIII hinggil sa isyu ng Tsina, na gaganap ang Tsina ng mahalagang papel sa nasabing summit bilang isang mahalagang puwersang pangkabuhayan. Palagian aniyang nagsisikap ang Tsina para mapalakas ang kabuhayang pandaigdig at mapatupad ang kasaganaan ng daigdig.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |