Sa katatapos na serye ng mga summit ng ASEAN, muling ipinahayag ng Tsina ang pagpayag at pagkatig sa ideya ng "dual-track approach" hinggil sa paghawak ng isyu ng South China Sea, na ang isyung ito ay dapat lutasin ng mga bansang may direktang kinalaman sa isyung ito sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, at ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea ay dapat magkakasamang pangalagaan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang naturang ideya ay pinaka-praktikal na paraan para malutas ang mga hidwaan sa South China Sea, at ito rin ay siyang tanging paraan para mapangalagaan ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.
Anila pa, ang ideyang ito ay magbibigay ng bagong lakas sa kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN, para ang South China Sea ay maging karagatan ng kapayapaan, pagkakaibigan, at pagtutulungan.
Salin: Liu Kai