Ipinahayag kahapon ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ang pagtutol sa ulat na ipinalabas kamakailan ng US-China Economic and Security Review Commission ng Kongreso ng Amerika.
Sinabi ng nabanggit na pamahalaan na mali ang mga nilalaman sa ulat na ito hinggil sa isyu ng constitutional development ng Hong Kong, at ipinakikita nitong hindi nalalaman ng komisyong ito ang aktuwal na kalagayan ng naturang isyu. Dagdag pa nito, ang anumang organo ng ibang bansa ay hindi dapat makialam sa mga suliraning panloob ng Hong Kong sa pamamagitan ng anumang porma.
Salin: Liu Kai