Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Fiji, magpapasulong ng bilateral na kooperasyon

(GMT+08:00) 2014-11-22 15:13:17       CRI

Nag-usap ngayong araw sa Nadi, Fiji, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Josaia Uoreque Bainimarama ng Fiji, para pasulungin ang mga pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang panig.

Ipinahayag ni Xi ang pagtanggap ng pagpapalaki ng pagluluwas ng Fiji sa Tsina. Sinabi pa niya na pasisiglahin ng Tsina ang paglalakbay ng mas maraming Tsino sa Fiji at pamumuhunan ng bahay-kalakal sa bansang ito.

Bukod dito, pinasalamatan ni Xi ang pagtulong ng Fiji sa paglaban ng Tsina sa korupsyon at umaasa aniya siyang patuloy na pahihigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas.

Pinasalamatan din ni Josaia Uoreque Bainimarama ang pagtulong ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan ng Fiji.

Nakahanda aniya siyang pahigpitin, kasama ng Tsina, ang pagpapalagayang pulitikal, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at pagpapalitan ng kultura.

Sumang-ayon pa sila sa pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning may kinalaman sa Pacific Ocean.

Ayon sa kanilang pag-usap, patuloy na magbibigay ang Tsina ng mga tulong sa Fiji na may kinalaman sa agrikultura, kalusugan, small hydropower, konstruksyon ng imprastruktura, at pagharap sa pagbabago ng klima.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>