Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lider Tsino, nagbigay-atas tungkol sa lindol sa Sichuan

(GMT+08:00) 2014-11-23 15:20:52       CRI

Naganap kahapon, alas-kuwatro singkuwenta'y uno ng hapon (Beijing time), ang isang lindol sa Kangding County, Ganzi Tibetan Autonomous Prefecture sa Lalawigang Sichuan ng Tsina. Ang nasabing lindol ay may lakas na 6.3 sa richter scale. Hanggang alas-11:30 ngayong umaga, 4 katao ang nasawi sa kalamidad, at 54 na iba pa ang nasugatan. Bukod dito, mahigit 79,500 mamamayan ang apektado ng lindol. Nasira ang mga pabahay ng mahigit 25 libong pamilya.

Pagkaraang maganap ang lindol, agarang nagbigay-atas si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangulo ng bansa, sa lalawigang Sichuan at mga may-kinalamang departamento na mabilisang organisahin ang mga puwersa para puspusang isagawa ang gawaing panaklolo at bawasan, hangga't makakaya ang human casualty.

Hiniling din ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na agarang imbestigahan ang kalagayan ng kalamidad, at buong sikap na isagawa ang gawaing panaklolo.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>