Ayon sa pahayag ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Israel, pinagtibay kahapon ng Gabinete ang panukalang batas na layong magtakda sa bansa bilang Estadong Hudyo.
Ayon sa panukalang batas na ito, ang Hebrew ay ang opisyal na wika ng bansa at ang Arabic naman ay mayroong espesyal na katayuan.
Ayon sa media ng Israel, nagresulta ang nasabing panukalang batas sa mainit na pagtatalo ng mga miyembro ng Gabinete. Labinlimang miyembro ang bumoto ng pagsang-ayon at pito naman ang tumutol sa panukalang batas.
Isusumite ito sa Parliamento ng Israel sa ika-26 ng Nobyembre.
Salin: Jade