Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), malubha nitong ikinababahala ang paglalakip ng Pilipinas sa ilang mamamahayag ng Hong Kong sa blacklist ng pagpasok sa bansa. Hiniling ng FOCAP sa kinauukulang departamento na ipaliwanag ang hinggil dito.
Ayon sa ulat ng media ng Hong Kong na nauna rito, dahil sa pagtatanong kay Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa hostage incident sa Manila noong 2010, noong panahon ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) noong nagdaang taon, 9 na mamamahayag mula sa 3 media ng Hong Kong ang inilakip sa blacklist ng pagpasok sa Pilipinas. Ipinahayag naman ng awtoridad ng Pilipinas na ang naturang mga mamamahayag ay banta sa seguridad na pampubliko, kaya sila ay ipinagbawal na gumawa ng panayam sa mga pulong ng APEC na idaraos sa Pilipinas sa susunod na taon.
Salin: Vera