Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kultura ng kawalan ng pananagutan, tuloy pa rin sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2014-11-25 15:02:28       CRI

SA ikalimang taong anibesaryo ng Maguindanao Massacre, sinabi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines na nagpapatuloy pa rin ang kawalan ng kaparusahan sa mga may kagagawan ng karumal-dumal na krimen laban sa sangkatauhan.

Magugunitang 32 mga manggagawa sa media ang napaslang sa isang maramihang pagpatay o masaker at hindi lahat ng mga pinaghihinalaan ay nadakip. Samantalang nabasahan nan g sakdal ang pinaniniwalaang utak ng krimen, wala pang paglilitis na nagaganap sapagkat tanging petitions for bail pa lamang ang nagaganap sa mga hukuman.

Hindi rin matutukan ng mga taga-media ang paglilitis sapagkat pinagbabawalan pa ng pulisya na itinanggi naman ng hukom na sa kanyang nagmula ang kautusan.

Pagkakataon na umano ng pamahalaang Aquino na patunayan ang pagkakaiba ng kanyang liderato sa kanyang hinalinhan subalit nakita kung gaano kabagal umikot ang gulong ng katarungan kahit pa minamasdan ng nakararami ang usapin.

Nanawagan ang samahan ng mga mamahayag na kumakatawan sa iba't ibang ahensya sa buong daigdig na panindigan ni Pangulong Aquino ang ala-alang iniwan ng kanyang mga magulang na nagpahalaga sa kalayaan ng pamamahayag, na tiyaking madarakip at maparurusahan ang kahat ng may kagagawan sa pag-uutos sa Philippine National Police na tiyakin, at hindi pagbawalan ang full-media coverage ng paglilitis ayon sa mga alituntuning itinatadaha ng hukuman.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>