|
||||||||
|
||
MAS marami ang inaangkat na paninda ng Pilipinas mula sa Tsina kaysa ipinagbibili nito sa ikalawa sa pinakamalaking pamilihan sa daigdig. Ayon sa datos na natamo mula sa Department of Foreign Affairs, noong 2013, umabot sa US$ 15.13 bilyon ang kalakalan ng dalawang bansa subalit ang naipagbili ng Pilipinas ay umabot lamang sa US$ 7.03 bilyon samantalang ang inangkat ng Pilipinas ay nagkakahalaga ng US$ 8.10 bilyon.
Noong 2011, sa total na US$ 12.32 bilyong kalakal, US$ 6.24 bilyon ang exports ng Pilipinas at umabot sa US$ 6.09 bilyon at pumabot sa Pilipinas na US$ 150 milyon. Sa datos ng kalakal noong 2012, nagkahalaga ng US$ 12.85 bilyon ang kalakalan na nakabili ang Tsina ng mga panindang nagkakahalaga ng US$ 6.17 samantalang umangkat ang Pilipinas na US$ 6.68 bilyon.
Ngayong 2014, mula Enero hanggang Hunyo, nagkahalaga ang kalakal ng US$ 8.78 bilyon at umangkat ang Pilipinas ng may US$ 4.71 samantalang bumili ang Tsina ng US$ 4.06 at may maliwanag na agwat na US$ 650 milyom.
Sa pagsusuri sa datos ng exports ng PIlipinas noong nakalipas na taon, bumili ang mga Tsino ng storage units, nickel ores at concentrates, parts at accessories ng mga makinarya, dioces na gawa mula sa mga kagamitang "on consignment basis" at cathodes at mga bahagi ng cathodes at refined copper.
Bumili naman ang Pilipinas ng mga light petroleum oils and preparations, iba pang liquefied petroleum gases, mga bahagi ng electrical apparatus para sa kable ng telepono at telegram, at parts and accessories of machines.
Ang mga kumpanyang Pilipino na may kalakal sa Tsina ay kinabibilangan ng Liwayway Group of Companies, Jollibee Group, Eton Group, SM at Metrobank.
Samantala, ang Tsina ang ika-apat na pinakamalaking pinagmumulan ng mga turista mula 2011 hanggang 2013. Sa tatlong taong ito, umabot sa 920,372 ang mga turistang Tsino na dumalaw sa Pilipinas. Mula Enero hanggang Hulyo ng 2014, umabot pa lamang sa 268,028 ang mga Tsinong dumalaw sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |