|
||||||||
|
||
Ulat noong ika-26 ng Nobyembre
PALAPIT na sa Surigao del Sur ang mas malakas na Tropical Depression "Queenie" kaninang hapon. Ito ang dahilan kaya't isinailalim na sa Signal No. 1 ang may 20 mga pook. Kaninang ika-apat na hapon, si "Queenie" ay natagpuang may 60 kilometro sa silangan-hilangang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
May lakas itong 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna ay inaasahang kikilos sa bilis ng 24 na kilometro sa bawat oras at inaasahang tumama na sa lupa kaninang ika-lima ng hapon at ika-anim ng gabi. Sa pagtama nito sa lipa, daraan ito sa Northern Mindanao ngayong gabi at sa katimugang bahagi ng Central at Western Visayas bukas ng umaga.
Bukas ng hapon, aabot ito sa 210 kilometro sa kanluran ng Dumaguete City o may 290 kilometro sa silangan ng Puerto Princesa City. Inaasahan itong may 330 kilometro sa kanluran-hilagang-kanluran ng Puerto Princesa sa Biyernes ng hapon at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng gabi.
Kanselado ang dalawang biyahe ng Philippine Airlines Express ang Manila-Surigao at Surigao-Manila dahil sa sama ng panahon. Ang mga pook na saklaw ng Signal No. 1 ay ang Palawan, kasama na ang Calamian Islands, Southern Leyte, Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occidental at Siquijor, ang Surigao del Norte kasama na ang Siargao island, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental, Compostela Valley, Dinagat Province, Camaguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon at Zamboanga del Norte.
Magiging banayad hanggang sa malakas ang buhos ng ulan na aabot sa pito hanggang 15 milimetro bawat oras sa lawak nitong 300 kilometro.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |