Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Asian Development Bank, handang makipagtulungan sa AIIBank

(GMT+08:00) 2014-11-27 14:47:45       CRI

Ulat noong ika-26 ng Nobyembre

KOOPERASYON SA ASYA, PRAYORIDAD NG ASIAN DEVELOPMENT BANK.  Sa idinaos na FoCAP Forum with ADB President Takehiko Nakao kanina, sinabi niyang handang makipagtulungan ang ADB sa Asian Infrastructure Investment Bank na binuo ng Tsina.  Lagi umanong maasahan ang suporta ng Tsina sa iba't ibang larangan, dagdag pa ni Pangulong Nakao.  (ADB Photo)

HANDA umanong makipagtulungan ang Asian Development Bank sa binuong Asian Infrastructure Investment Bank ng Tsina.

Ito ang sinabi ni Pangulong Takehiko Nakao ng Asian Development Bank sa idinaos na malayang talakayan pagkatapos ng kanyang talumpati kaninang umaga.

Nauunawaan umano niya ang pagpasok ng panibagong bangko saapakgat maraming nangangailangan ng pondo para sa kanilang mga pagawaing-bayan. Aabot umano ang mga ito sa halagang US$ 800 bilyon sa buong Asia at makakasama na rin ang pangangailangan para sa power.

Mas magiging maganda ang takbo ng bangko kung tatalima ito sa international standards at sa socio economic impact policies. Ang Asian Development Bank ay mayroon ding mahalagang papel sa infrastructure building.

Bagama't may sinasabing ang AIIB ay para sa mga pagawaing bayan at ang ADB at para sa poverty reduction, sumusuporta ang ADB sa larangan at sektor ng edukasyon at ang kanilang pansin ay sa mga lansangan, mga daang-bakal, kuryente at mga daungan.

Ipinaliwanag niyang bagama't sumusuporta rin sila sa sektor ng Edukasyon, mas prayoridad nila ang mga pagawaing-bayan. Pinagtatangkaan din ng ADB na mas maging maganda ang kanilang operasyon at maging mas malapit sa kanilang mga member countries.

Nagpapahiram pa rin ng salapi ang Asian Development sa Tsina, sa kanilang water management program, environmental protection at cooperation. Isa sa anim na pangalawang pangulo ng bangko ay mula sa Tsina.

Maasahang lagi ng Asian Development Bank ang suporta ng Tsina. Nabalita rin niyang ilan sa kanilang magagaling na tauhan ang nakukumbinseng lumipat sa Asian Infrastructure Investment Bank. Wala naman silang pinagbabawalan sa kanilang mga tauhang lumipat ng trabaho.

Ayon kay Pangulong Nakao, ang pagtutulungan ng mga Asiano ay nananatiling prayoridad ng Asian Development Bank.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>