|
||||||||
|
||
PAGHAHANDA SA PAGDALAW NI POPE FRANCIS PINAG-IBAYO. Ipinaliwanag ni Undersecretary Jess Yu ng Presidential Communications Operations Office ang detalyes ng paghahanda sa pagdalaw ni Pope Francis sa Enero ng 2015. Prayoridad ang seguridad ng panauhin at mga mamamayang dadalos sa pagtitipon, dagdag naman ni Ambassador Marcelino Paynor. (Melo Acuna)
SINABI ni Ambassador Marciano Paynor na prayoridad ng Pamahalaan ng Pilipinas ang seguridad ng Santo Papa, Pope Francis at ng mga mamamayang Pilipino sa napipintong pagdalaw mula sa ika-15 hanggang ika-19 ng Enero, 2015.
Sa isang panayam na idinaos sa Media Center sa Knights of Columbus, sinabi ni Ambassador Paynor na inutusan sila ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na tiyakin ang kaligtasan ng pinuno ng Simbahang Katoliko at head of state ng Vatican City at ng mga Pilipinong dadalo sa iba't ibang okasyon mula sa Official Reception sa Palasyo Malacanang, Misa sa Katedral ng Maynila at pagsasalita sa mga pamilya sa Mall of Asia sa ika-16 ng Enero, sa Misa sa Paliparan ng Tacloban, pagdalaw sa mga nasalanta ng bagyong "Yolanda" sa Palo, Leyte sa ika-17 ng Enero, pagsasalita sa mga kabataan sa University of Santo Tomas at sa Misa sa Luneta sa ika-18 ng Enero at hanggang sa kanyang paglisan sa umaga ng Lunes, ika-19 ng Enero pabalik sa Roma.
Magugunitang may mga nagbalak maghasik ng lagim noong 1995 sa pagdalaw ni Pope John Paul II sa Maynila na kinatampukan ng tinaguriang "Oplan Boijnka" na layuning mapaslang ang panauhin ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Ambassador Paynor na mayroong koordinasyon ang Simbahang Katolika sa Pilipinas at ang pamahalaan. Walang ibinigay na detalyes kung saan daraan ang motorcade sa kanyang pagdating sa ika-15 ng Enero mula sa Colombo, Sri Lanka patungo sa Apostolic Nunciature sa Taft Avenue sa Maynila. Ipinaliwanag pa ng kinatawan ng Malacañang na ihahayag nila ang lahat sa oras na matapos na ang kanilang mga paghahanda.
Inaasahang higit sa anim na milyong Filipino ang dadalo sa mga okasyong dadaluhan ni Pope Francis sa darating na Enero.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |