Ayon sa pahayagang "Vietnam Investment Report," ipinakikita ng datos ng Departamento ng Pamumuhunang Dayuhan ng Biyetnam na sa kasalukuyan, mayroong anim (6) na porma ang pamumuhunan ng 101 bansa at rehiyon sa Biyetnam. Kabilang dito, karamihan ang mga negosyong pag-ari ng eksklusibong pondong dayuhan.
Hanggang sa ngayon, 17,219 ang mabisang direktang dayuhang proyektong pampamumuhunan na naakit ng Biyetnam na nagkakahalaga ng 244 na bilyong dolyares. Kabilang dito, 13,889 ang proyekto ng eksklusibong pondong dayuhan, na katumbas ng 81% ng kabuuang bilang ng mga proyekto ng pondong dayuhan na naakit ng bansang ito.
Salin: Li Feng