Sinabi kahapon ng opisyal ng Kawanihan ng Meteorology, Klima at Physical Geography ng Indonesia, na niyanig nang araw ring iyon ang karagatan sa paligid ng North Maluku sa Silangang Indonesia ng lindol na may lakas na 6.8 sa richter scale. Sa kasalukuyan, walang ipinalabas ang naturang kawanihan na babala sa tsunami, at walang natatanggap na ulat kung may kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian.
Ayon sa impormasyon sa website ng naturang kawanihan, sa loob ng kalahating oras pagkaganap ng unang lindol, sunud-sunod na naganap ang 4 na aftershocks sa nasabing karagatan.
Salin: Vera