|
||||||||
|
||
Ipininid kagabi sa Beijing ang dalawang araw na ASEAN Culture Week. Sumang-ayon ang mga kalahok na kinatawan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pagpapasulong ng kooperasyon sa pelikula para makinabang dito ang dalawang panig.
Sa naturang aktibidad, nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang mga dokumento hinggil sa magkasamang paggawa ng tatlong pelikula.
Ang naturang tatlong pelikula ay kinabibilangan ng QR Code na gagawin ng Tsina, Indonesia at Malaysia, White Tower Promise na magkasamang ipoprodyus ng Tsina at Malaysia, at Alien City na magiging co-production ng Tsina, Amerika, Pilipinas, Malaysia, at Indonesia.
Ipinahayag ni Evangeline Ducrocq, Diplomatang Pilipino sa Tsina, na mayroong napakagandang tanawin ang Pilipinas para sa pagpoprodyus ng pelikula.
Sinabi pa niya na magkakaloob din ang Film Development Council ng Pilipinas (FDCP) ng mga serbisyo para mapadali ang proseso ng paggawa ng pelikula. Dagdag pa niya, mas mababa ang gastusin ng paggawa ng pelikula sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |