Patuloy na bumaba kahapon ang presyo ng langis sa pandaigdig na pamilihan. Sa kasalukuyan, halos 67 Dolyares ang halaga ng isang bariles ng langis, at ang presyong ito ay pinakamababa sapul noong Setyembre ng 2009.
Kaugnay ng malaking pagbaba ng presyo ng langis, ipinahayag ng Rusya na hindi malaki ang epekto sa bansang ito. Sinabi kahapon ni Alexey Ulyukaev, Ministro ng Pagpapaunlad ng Kabuhayan ng Rusya, na hindi babagsak ang kabuhayang Ruso dahil sa pagbaba ng presyo ng langis. Aniya pa, ginagawa ng pamahalaang Ruso ang mga hakbangin bilang tugon sa kasalukuyang kalagayan.