Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malaking halaga, nakabaon sa lump sums ng 2014 supplemental budget

(GMT+08:00) 2014-11-29 10:59:15       CRI

PUNO ng lump sums ang hinihiling na dagdag sa budget ng 2014 na nagkakahalaga ng P 23 bilyon. Mula ito sa panukala ng Department of Budget and Managemet para sa post-Yolanda rehabilitation at paghahanda ng Pilipinas para sa 2015 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit.

Ito ang inilabas na impormasyon ng Social Watch Philippines. Ikinagulat ng grupo ang pagkakaroon ng P16.4 bilyon para sa "New Urgent Projects/Programs" para sa Yolanda reconstruction at APEC Summit na mayroong P 5.08 para sa mga proyektong nauna ng sinangayunan subalit hindi kaagad naipatupad at karagdagang P 1.8 bilyon para sa mga babayaran mula sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways.

Sinabi ni Professor Leonor Briones na napakalabo ng breakdown sapagkat walang detalyes at maaaring mapakialaman.

Nakapasa na umano sa Senado ang 2015 budget at nakagugulat na magtatapos na ang taon ay may isinusulong na supplemental budget pa ang Department of Budget and Management para sa taong 2014. Ipinagtatanong pa ni Professor Briones kung magagastos ba ang malaking halaga sa loob ng isang buwan.

Kabilang sa supplemental budget ang mga nakalaan para sa rehabilitasyon ng LRT lines 1 at 2 at ang pagtatayo ng mga matitibay na pabahay para sa mga biktima ni "Yolanda." Ang mga halagang ito ay 'di naman nakasama sa supplemental budget.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>