Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalagayan ng mga supling ng mga manggagawang Filipino, sinuri

(GMT+08:00) 2014-11-29 11:02:08       CRI

NAGING makabuluhan ang dalawang araw na pagpupulong ng mga guidance counselor sa iba't ibang paaralan saklaw ng Simbahang Katolika. Sinuri ang kalagayan ng mga supling ng mga manggagawang na sa ibang banya.

Ayon kay G. Edmundo Ruga, ang Luzon Coordinator ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People at ng Sons and Daughters of OFWs, lumabas ang mga suliranin sa mga supling ng mga manggagawang nasa ibang bansa.

Sa pagbuo ng palatuntunan para sa mga supling ng mga OFWs, makikilahok na ang mga bubuo ng diocesan desks, binabalak din nilang makasama sa mga pampublikong paaralan sa programa sapagkat may mga problema ring kinakaharap ang mga mag-aaral.

Sa tamang paggabay sa mga kabataan, mababawasan ang mga pasaway na anak ng mga mga OFW. Ang tingin ng mga kabataang nasa high school, ay pinabayaan sila ng kanilang mga magulang.

Subalit sa likod ng mga problemang kaakibat ng pagkawala ng ina o ama sa tahanan ay mayroon pa ring mga matatagumpay sa pag-aaral tulad ng isang naging finalist sa Metro Manila Film Festival noong 2013 na pinamagatang "Ang Huling Balikbayan Box."

Nagulat umano ang mga kalahok sa pagtitipon na higit na tumataas ang bilang ng mga manggagawang nangingibang-bansa. Sa kanilang pagsusuri, madaragdaragan pa ang mga magtutungo sa ibang bansa dahilan sa kawalan ng hanapbuhay sa Pilipinas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>