Sa pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa kanyang Malaysian counterpart na si Muhyiddin Yassin, ipinahayag ni Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina na matapos itatag ang 40 taong relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia, nananatiling mabilis ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Sinabi niyang nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia para pasulungin ang bilateral na relasyon sa mas mataas na antas, batay sa pagpapahigpit ng estratehikong pagtitiwalaan at pragmatikong pagtutulungan. Samantala, umaasa aniya siyang palalawakin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa sa ibat ibang larangan, batay sa pagpapasulong ng kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, imprastruktura, people-to-people exchange, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Muhyiddin Yassin, na nananatiling maalwan ang pagtutulungan ng Tsina at Malaysia sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya siyang palalakasin pa ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.