Sa Lima, Peru — Binuksan kahapon ang Ika-20 Pulong ng Signataryong Panig ng "United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC)" at Ika-10 Pulong ng Signataryong Panig ng "Kyoto Protocol." Sa 12 araw na pulong, tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa isyu ng pagharap sa pagbabago ng klima.
Sa kanyang mensahe sa seremonya ng pagbubukas, tinukoy ni Manuel Pulgar-Vidal, Tagapangulo ng naturang pulong at Ministro ng Kapaligiran ng Peru, na umaasang mararating sa pulong ang kongkretong kasunduan hinggil sa pagpapahupa ng pagbabago ng klima.
Salin: Li Feng