Ipinahayag kamakailan ni Wang Hongwei, Chief Executive Officer ng Bank of China sa Malaysia, na ang Malaysia ay may pinakamahigpit na pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina kung ihahambing sa mga kasaping bansa ng ASEAN. At tiyak na magiging mahalagang kalalahok ito sa konstruksyon ng "21st century Maritime Silk Road," kaya dapat bigyan ang pamilihang Malaysian ng mas maraming pansin ng mga bahay-kalakal ng Tsina.
Sinabi ni Wang na kasabay ng mas maraming pamumuhunan ng Tsina sa ibayong dagat, haharapin ng Tsina at Malaysia ang bagong pagkakataon ng ibayo pang pagpapalalim ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Aniya, mayaman ang karanasan ng pamahalaang Malaysian sa paghihikayat ng pondong dayuhan, at may bentahe sa lebel ng pagbubukas sa labas at potensyal ng pamumuhunan. Tungkol sa serbisyong pinansyal, ani Wang, palagiang kinakatigan ng pamahalaang Malaysian ang internasyonalisasyon ng RMB, at hinihimok ang paggamit ng Malaysian Ringgit at RMB sa bilateral na kalakalan at pamumuhuan. Ito ay direktang magpapaliit ng exchange loss at magpapababa ng gastusin ng kalakalan, dagdag ni Wang.
Salin: Andrea