|
||||||||
|
||
Ngayong araw, ika-5 ng Disyembre, ay ika-87 kaarawan ni Haring Bhumibol Adulyadej at National Day ng Thailand. Magkakahiwalay na nagpadala ng mga mensahe sina Pangulong Xi Jinping, Premyer Li Keqiang, at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, bilang pagbati sa naturang dalawang okasyon.
Sa kanyang mensaheng pambati, sinabi ni Pangulong Xi, na sa okasyon ng kaarawan ni Haring Adulyadej at National Day ng Thailand, ipinapaabot niya ang taos-pusong pagbati at magandang pag-asa sa mga mamamayang Thai. Aniya, ang Tsina at Thailand ay mahigpit at mapagkaibigang kapitbansa. Sinabi pa niyang, salamat sa tulong ni Haring Adulyadej, nananatiling matatag at mabilis ang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai. Dagdag pa ni Xi, ang susunod na taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai. Sinabi pa ng Pangulong Tsino, na nakahanda siyang magsikap, kasama ni Haring Adulyadej, para mapasulong ang pagtatamo ng mas malaking progreso ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Thailand.
Sa kanya namang mensahe, nagpahayag si Li Keqiang ng kahandaang aktibong pasulungin ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Thailand sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, daambakal, kultura, at iba pa.
Ayon naman sa mensahe ni Wang Yi, matatag na umuunlad ang relasyong Sino-Thai. Aktibo aniyang isinasagawa ng kapuwa panig ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, at pinapanatili ang mahigpit na kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda aniya siyang patuloy na makipagtulungan kay Haring Adulyadej, at gawing pagkakataon ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Thailand.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |