Sa State of the Nation Address(SONA) na inilabas kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, ipinahayag niyang dapat igalang ang lehitimong interes ng lahat ng mga kasapi ng komunidad ng daigdig, sa halip na pagsasagawa ng patakarang pagpigil at sangsyon. Dapat aniyang pangalagaan ang kapayapaan ng daigdig ayon sa batas para iwasan ang marahas na sagupaan, sa halip na pagsasagawa ng pagpigil at sangsyon laban sa ibang bansa. Ito aniya'y magiging puwersa para maisakatuparan ng Rusya, ang isang bukas na bansa sa daigdig, at ibat-ibang nakatakdang target para sa pambansang kaunlaran. Sinabi ni Putin, na nitong 10 taong nakalipas, mabilisang umuunlad ang rehiyong Asya-Pasipiko. Aniya, bilang matalik na katuwang ng Asya-Pasipiko, komprehensibong gagalugarin ng Rusya ang potensyal nito sa nasabing rehiyon.
Hinggil sa isyu ng Ukraine, sinabi ni Putin na bilang isang soberanong nasyon, may karapatan ang Ukraine sa pagpili ng direksyong pangkaunlaran. Dagdag ni Putin, ito ay iginagalang ng Rusya. Ang pagkakaloob ng tulong pangkabuhayan at pagpapasulong ng reporma sa Ukraine ay ang pinakamasusing bagay, sa kasalukuyan, ani Putin.