|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Su Wei, Punong Negosyador ng delegasyong Tsino sa Pandaigdigang Pulong hinggil sa pagbabago ng klima na idinaraos sa Lima ng Peru, na nakahanda ang kanyang bansa sa pagpapasulong ng progreso sa pulong na ito. Bukod dito, binigyang-diin niya na may obligasyon ang mga maunlad na bansa sa pagganap ng mahalagang papel sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Sinabi ni Su na mahalaga ang pulong sa Lima para marating ang isang bagong kasunduang may binding force, sa pagharap sa pagbabago ng klima, pagkatapos ng taong 2020.
Kaugnay ng magkasamang pahayag ng Tsina at Amerika hinggil sa pagbabago ng klima, sinabi ni Su na ang naturang pahayag ay nagpapakita ng determinasyon ng dalawang bansa sa pagpapasulong ng pagbabawas ng emisyon.
Binigyang-diin ni Su na nagkakaiba ang kalagayan ng Tsina at Amerika, kaya nagkakaiba rin ang aksyon ng dalawang bansa sa pagbabawas ng emisyon. Ang Amerika ay magsasagawa ng mga aksyon bilang isang maunlad na bansa. Ang Tsina naman ay magsasagawa ng mga aksyon bilang isang umuunlad na bansa.
Bukod dito, sinabi ni Su na may obligasyon ang Hapon sa pagbabawas ng emisyon bilang isang maunlad na bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |