Nagpulong kahapon ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), hinggil sa gawaing pangkabuhayan sa susunod na taon.
Iniharap sa pulong na dapat linawin ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, balansehin ang pagpapanatili ng paglaki ng kabuhayan at pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan, palakasin ang kapwa bagong industriya at industriya ng serbisyo, pabilisin ang pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng agrikultura, lutasin ang di-balanseng pag-unlad sa iba't ibang lugar, bigyang-priyoridad ang isyu ng hanapbuhay at pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, palalimin ang reporma sa sistema ng kabuhayan, at isakatuparan ang balanse ng kabayarang pandaigdig.