Sa panahon ng Pandaigdig na Pulong hinggil sa Pagbabago ng Klima na idinaraos sa Lima, Peru, ipinalabas kahapon ng United Nations Environment Programme (UNEP) ang ulat na nagsasabing napakalaki ng agwat ng iba't ibang bansa ng daigdig sa aspekto ng pagharap sa pagbabago ng klima.
Tinukoy ng naturang ulat na ang agwat ay ipinakikita, pangunahin na, sa pondo, teknolohiya, at kaalaman. Umaasa ang UNEP na isasagawa ng iba't ibang bansa ang mga positibong hakbangin, para paliitin ang agwat, at bawasan ang negatibong epektong dulot ng pagbabago ng klima.