Sa Pandaigdig na Pulong hinggil sa Pagbabago ng Klima na idinaraos sa Lima, Peru, ipinahayag kahapon ni Zou Ji, Pangalawang Puno ng National Center for Climate Change Strategy and International Cooperation ng Tsina, na ang prinsipyong "komon pero magkakaibang responsibilidad" ay isa sa mga saligang prinsipyo ng United Nations Framework Convention on Climate Change. Aniya, dapat igiit ang prinsipyong ito sa proseso ng pagharap ng buong daigdig sa pagbabago ng klima.
Winika ito ni Zou bilang tugon sa palagay ng ilang maunlad na bansa na ipinagwawalang-bahala ang kanilang responsibilidad na pangkasaysayan sa isyu ng pagbabago ng klima, at ilakip sa bagong kasunduan ang nilalaman hinggil sa pagsasabalikat ng lahat ng mga bansa ng "komon at parehong responsibilidad" sa pagbabawas ng emisyon.
Ipinaliwanag ni Zou na ang kasalukuyang isyu ng pagbabago ng klima ay dahan-dahang nabuo dahil sa pagbuga ng mga maunlad na bansa ng greenhouse gas sapul noong dati. Aniya, sa aspektong ito, dapat isabalikat ng mga maunlad na bansa ang responsibilidad na pangkasaysayan. Sinabi rin ni Zou na sa pamamagitan ng globalisasyong pangkabuhayan, inilipat ng mga maunlad na bansa sa mga umuunlad na bansa ang mga industriyang malaki ang emisyon, at mas malakas din ang mga maunlad na bansa kaysa mga umuunlad na bansa sa aspekto ng pondo at tekonolohiya. Kaya aniya, hindi dapat isabalikat ng mga umuunlad na bansa ang responsibilidad na kapareho ng mga maunlad na bansa sa isyu ng pagbabawas ng emisyon.